Ayon sa mga impormasyong akong nakalap, asahan daw natin na ngayong 2013 ay may pag-asang tumaas ang ekonomiya ng ating bansa. Mas malaki raw ang tyansa ng pagtaas ng ating ekonomiya kung madami ang may trabaho sa ating bansa. Ito ang bagay na inaasahan daw na madadagdagan ngayon 2013 kapag nagsimula na ang mga malalaking infrastructure projects sa ating bansa bunga ng magandang ekonomiya.
Asahan din daw natin na maganda ang Agrikultura sa ating bansa ngayong 2013. Marami rin daw magiging dagdag na trabaho dahil inaasahan na lalago ang sektor na ito ngayong 2013.
Ang isa pang kasama sa pagbuti ng ekonomiya ay ang paglakas ng piso na nagpapalit naman sa halaga ng kita ng mga nasa export industry at sa business process out coursing tulad ng mga Call Center. Ayon din sa Business Processing Association Of The Philippines o BPAP, lalo raw silang nahihirapan sa paglaki ng diperensya ng halaga ng piso sa Indian Rupee kapag itinapat sa dolyar. Kakompitensya raw kasi ng Pilipinas ang India sa paghihikayat ng mga Call Center na mamuhunan sa bansa. At ang posibleng paglipat ng mga Call Center doon makababawas daw sa trabaho sa bansa. Pero ang problema sa malakas na piso, susulusyunan naman daw ng gobyerno. Pati nga raw ang mga ipinatutupad na batas ngayong 2013 inaasahan umano na makatutulong daw sa bansa. Ayon naman sa isang ekonomista, dapat ang paglago ng ekonomiya ay magpatuloy ng ilang sunud-sunod na taon upang ganap na maramdaman. Dito ay kelangan walang kamatayan na pasensya at pagiging positibo ng mga Pinoy.