Tuesday, January 29, 2013

Pagsasapribado Ng Mga Government Hospitals

Government Hospitals.... Ito ang mga ospital na kung saan ang gobyerno ang may hawak at kung saan mura lamang ang gastusin ng mga tao. Kung gagawin namang pribado ang mga government hospitals na ito, maaaring tumaas ang mga gastusin ng mga tao sa ganitong ospital.







Madami din ang tutol sa pagsasapribado ng mga government hospitals. Kaya lang naman gustong gawing pribado ang government hospitals dahil sa kulang na pondo na binibigay ng gobyerno para rito. Una sa lahat, dapat magkaroon ng sapat na pondo na nakatabi ang gobyerno para sa mga government hospitals. Hindi naman pwede na basta-basta lamang nilang gawing pribado ang mga ospital na ito. Paano na lamang ang mga mahihirap na nakikinabang sa ganitong ospital? Kaya nga ito tinawag na government hospital dahil gobyerno ang nagbibigay ng pondo para sa ganitong mga ospital kaya naman mura lang ang ginagastos ng mga tao.










Malaking tulong ang mga government hospitals sa mga tao lalo na sa mahihirap. Alam naman natin na, madami nang naghihirap sa ating bansa. Kaya mas kelangan ng sambayanan ang mga bagay na kung saan sila ay makakamura. Kaya para sa kin mas maganda na HINDI gawing pribado ang mga govenrment hospitals. Oo, kulang ang pondo ng gobyerno, pero madaming paraan upang matubusan parin nila ang pondong kelangan ng mga government hospitals. Kung nanaisin nilang gawan ito ng paraan, magagawan talaga ito ng paraan. Kung hindi naman, edi hindi talaga ito masosolusyonan.
Kaya dapat, isipin muna nila ang kapakanan ng mga tao, bago nila isipin ang mga problemang maaaring harapin nila kapag hindi ginawang pribado ang mga govenrment hospitals. Mas mahalaga parin ang kalusugan ng mga tao kesa sa mga gastusing kanilang haharapin. Madaming paraan upang masolusyunan ang ganitong problema kung nanaisin lang nilang gawan ito ng paraan.



1 comment:

  1. cortez yung 2nd paragraph mo yung dulo ay natakpan ng pictures..and bhe next time please enlarge your font size..hirap basahin ang liliit eh.. :) but nice article indeed..although there are some parts that i was not able to read kc natakpan.. good job

    ReplyDelete