Tuesday, January 29, 2013

Pagsasapribado Ng Mga Government Hospitals

Government Hospitals.... Ito ang mga ospital na kung saan ang gobyerno ang may hawak at kung saan mura lamang ang gastusin ng mga tao. Kung gagawin namang pribado ang mga government hospitals na ito, maaaring tumaas ang mga gastusin ng mga tao sa ganitong ospital.







Madami din ang tutol sa pagsasapribado ng mga government hospitals. Kaya lang naman gustong gawing pribado ang government hospitals dahil sa kulang na pondo na binibigay ng gobyerno para rito. Una sa lahat, dapat magkaroon ng sapat na pondo na nakatabi ang gobyerno para sa mga government hospitals. Hindi naman pwede na basta-basta lamang nilang gawing pribado ang mga ospital na ito. Paano na lamang ang mga mahihirap na nakikinabang sa ganitong ospital? Kaya nga ito tinawag na government hospital dahil gobyerno ang nagbibigay ng pondo para sa ganitong mga ospital kaya naman mura lang ang ginagastos ng mga tao.










Malaking tulong ang mga government hospitals sa mga tao lalo na sa mahihirap. Alam naman natin na, madami nang naghihirap sa ating bansa. Kaya mas kelangan ng sambayanan ang mga bagay na kung saan sila ay makakamura. Kaya para sa kin mas maganda na HINDI gawing pribado ang mga govenrment hospitals. Oo, kulang ang pondo ng gobyerno, pero madaming paraan upang matubusan parin nila ang pondong kelangan ng mga government hospitals. Kung nanaisin nilang gawan ito ng paraan, magagawan talaga ito ng paraan. Kung hindi naman, edi hindi talaga ito masosolusyonan.
Kaya dapat, isipin muna nila ang kapakanan ng mga tao, bago nila isipin ang mga problemang maaaring harapin nila kapag hindi ginawang pribado ang mga govenrment hospitals. Mas mahalaga parin ang kalusugan ng mga tao kesa sa mga gastusing kanilang haharapin. Madaming paraan upang masolusyunan ang ganitong problema kung nanaisin lang nilang gawan ito ng paraan.



Tuesday, January 22, 2013

Suliranin Sa Agrikultura

Sa mga nabasa kong artikolo tungkol sa mga suliranin sa agrikultura, kadalasan ang mga nakalagay na suliranin ay ang pagbagyo, kulang na suporta ng pamahalaan ng gobyerno, ang pagbabago-bago ng klima, pagdagsa ng mga dayuhang produkto, mababang presyo ng produktong agrikultura, implementasyon ng tunay na reporma sa lupa at paglaganap ng sakit at peste.







Ang mga suliraning ito ang nagdudulot kung bakit ganun na lang ang laki ng samang epekto sa agrikultura rito sa ating bansa. Kahit na ganito karami ang suliranin sa agrikultura ng ating bansa, may solusyon parin sa mga suliraning ito. Una muna sa lahat, dapat magkaroon na ng reporma sa lupa. Pangalawa, pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura. Pangatlo, pagbibigay ng subsidy sa maliit na mangsasaka. Pangapat, pagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay at kalsada. Panglima, paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultural na pumapasok sa bansa. At ang huli, pagtatag ng kooperatiba at bangko rural.






Meron parin namang madadaling paraan upang makatulong tayo upang masolusyonan ang mga suliranin sa agrikultura ng ating bansa. Ito ay dumidepende sa ating kakayahan at kaalaman. Sa ngayon, ang ating maaaring maitulong ay ang pag-iwas sa pagsira ng ating kapaligiran. Iwasan natin ang pagtapon ng basura kung san-san, pagbawas sa paggamit ng mga chemical na nakakaapekto sa ating kapaligiran at ang pagsusuporta sa mga produktong agrikultura ng ating bansa.







Dapat tayo ay magkaisa upang makatulong tayo upang mabawasan na ang suliranin sa agrikultura ng ating bansa. Isipin natin na may mga taong nabubuhay dahil sa pagtatrabaho gamit ang agrikultura. Tayo dapat ay maging matalino at maingat pagdating sa mga bagay-bagay na maaaring makaapekto sa agrikultura ng ating bansa. :)

Tuesday, January 15, 2013

Realization from the Issue of Hacienda Luisita

Base sa aking napanuod, ang masasabi ko lang ay talagang hindi patas ang nangyari. Unang-una sa lahat, ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita ay naloko at nauto. Pangalawa, sila ay ginamit at inabuso. At ang huli, sila ay tinakot upang mapapayag lang na pumirma sa kontrata.




Karapatan nilang makuha ang mga ipinangako sa kanila sa pagkat ginawa naman nila ang mga nakapaloob sa kontratang kanilang pinirmahan. Dapat maging patas din ang mga nagbigay ng kontrata sa kanila. Dapat tuparin nila ang kanilang ipinangako sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita.




Hindi ko masisisi ang mga magsasaka kung sila ay nagprotesta at lumaban. Ginawa lang naman nila ito upang makuha ang dapat na sa kanila. Ipinaglalaban lamang nila ang karapatan nila. Kung sana ay naging tapat at patas ang mga gumawa nung kontrata edi sana walang gulong mangyayari at sana hindi na nagalit ang mga magsasaka sa kanila.