Saturday, March 2, 2013

Ang Paglago ng Ekonomiya ng Pilipinas Magpapatuloy Ngayong 2013 (Reaksyon)





Ayon sa mga impormasyong akong nakalap, asahan daw natin na ngayong 2013 ay may pag-asang tumaas ang ekonomiya ng ating bansa. Mas malaki raw ang tyansa ng pagtaas ng ating ekonomiya kung madami ang may trabaho sa ating bansa. Ito ang bagay na inaasahan daw na madadagdagan ngayon 2013 kapag nagsimula na ang mga malalaking infrastructure projects sa ating bansa bunga ng magandang ekonomiya.














Asahan din daw natin na maganda ang Agrikultura sa ating bansa ngayong 2013. Marami rin daw magiging dagdag na trabaho dahil inaasahan na lalago ang sektor na ito ngayong 2013.

















Ang isa pang kasama sa pagbuti ng ekonomiya ay ang paglakas ng piso na nagpapalit naman sa halaga ng kita ng mga nasa export industry at sa business process out coursing tulad ng mga Call Center. Ayon din sa Business Processing  Association Of The Philippines o BPAP, lalo raw silang nahihirapan sa paglaki ng diperensya ng halaga ng piso sa Indian Rupee kapag itinapat sa dolyar. Kakompitensya raw kasi ng Pilipinas ang India sa paghihikayat ng mga Call Center na mamuhunan sa bansa. At ang posibleng paglipat ng mga Call Center doon makababawas daw sa trabaho sa bansa. Pero ang problema sa malakas na piso, susulusyunan naman daw ng gobyerno. Pati nga raw ang mga ipinatutupad na batas ngayong 2013 inaasahan umano na makatutulong daw sa bansa. Ayon naman sa isang ekonomista, dapat ang paglago ng ekonomiya ay magpatuloy ng ilang sunud-sunod na taon upang ganap na maramdaman. Dito ay kelangan walang kamatayan na pasensya at pagiging positibo ng mga Pinoy.

Election Gun Ban (Reaction Paper)




What is Election Gun Ban?

                   - Is a 150-day ban on the carrying of firearms outside residences in the Philippines has begun to prevent violence ahead of May 13 congressional and local elections.
                   - The ban started Sunday and ends June 12. Army-backed police contingents will enforce the ban, especially in about 800 towns in 15 provinces considered security hot spots due to a recent history of election violence or the presence of private armed groups.
                                                                 - Philippine elections have been marred by violence, especially in rural areas awash in weapons and private militias. In 2009, 58 people, including 32 media workers, were killed by more than 100 gunmen in a massacre blamed on a political rivalry between two powerful clans in southern Maguindanao province.


                                                  (Bilang ng mga tao na sang-ayon sa Gun Ban)














                                                                                       



Reaksyon:


Base sa mga impormasyong aking nakalap o nalaman, ipinatupad ang Election Gun Ban upang maging maayos, ligtas at mapayapa ang halalan. Para sa 'kin ito ay isang magandang ideya. Alam naman natin na di maiiwasan ang isang trahedya lalo na sa mga ganitong gawin. Maraming masasamang tao ang nagtatangka ng buhay ng iba lalo na kung sila ay kaaway o kalaban mo sa isang bagay. Ang pagpapatupad nito ay isang malaking tulong sa mga inosenteng kadidato sa eleksyon. Alam natin na magiging ligtas at maayos ang halalan dahil dito. Hindi rin kasi natin masasabi kung may mangyayari bang masama sa araw ng eleksyon o bago ang araw ng eleksyon. Mas mabuti na ang nakakasiguro tayo. Sabi din ng isang opisyal, ang pagdadala ng baril habang may gun ban ay itinuturing na isang seryosong offence. Talagang makakatiyak tayo na magiging ligtas ang mga tao sa panahon ng eleksyon at bago mag-eleksyon. Sabi din nila, tanging mga miyembro lamang ng PNP, Armed Forces of the Philippines at National Bureau of Investigation na naka-uniporme at naka-duty ang maaaring magdala ng mga baril sa labas ng kanilang bahay. Mas maganda na rin ito, kahit papano meron parin ang pwedeng magbantay at magprotekta sa mga tao at sa mga kandidato.




Ang Election Gun Ban ay sana maging tagumpay hanggang sa matapos ang eleksyon. :)



Tuesday, January 29, 2013

Pagsasapribado Ng Mga Government Hospitals

Government Hospitals.... Ito ang mga ospital na kung saan ang gobyerno ang may hawak at kung saan mura lamang ang gastusin ng mga tao. Kung gagawin namang pribado ang mga government hospitals na ito, maaaring tumaas ang mga gastusin ng mga tao sa ganitong ospital.







Madami din ang tutol sa pagsasapribado ng mga government hospitals. Kaya lang naman gustong gawing pribado ang government hospitals dahil sa kulang na pondo na binibigay ng gobyerno para rito. Una sa lahat, dapat magkaroon ng sapat na pondo na nakatabi ang gobyerno para sa mga government hospitals. Hindi naman pwede na basta-basta lamang nilang gawing pribado ang mga ospital na ito. Paano na lamang ang mga mahihirap na nakikinabang sa ganitong ospital? Kaya nga ito tinawag na government hospital dahil gobyerno ang nagbibigay ng pondo para sa ganitong mga ospital kaya naman mura lang ang ginagastos ng mga tao.










Malaking tulong ang mga government hospitals sa mga tao lalo na sa mahihirap. Alam naman natin na, madami nang naghihirap sa ating bansa. Kaya mas kelangan ng sambayanan ang mga bagay na kung saan sila ay makakamura. Kaya para sa kin mas maganda na HINDI gawing pribado ang mga govenrment hospitals. Oo, kulang ang pondo ng gobyerno, pero madaming paraan upang matubusan parin nila ang pondong kelangan ng mga government hospitals. Kung nanaisin nilang gawan ito ng paraan, magagawan talaga ito ng paraan. Kung hindi naman, edi hindi talaga ito masosolusyonan.
Kaya dapat, isipin muna nila ang kapakanan ng mga tao, bago nila isipin ang mga problemang maaaring harapin nila kapag hindi ginawang pribado ang mga govenrment hospitals. Mas mahalaga parin ang kalusugan ng mga tao kesa sa mga gastusing kanilang haharapin. Madaming paraan upang masolusyunan ang ganitong problema kung nanaisin lang nilang gawan ito ng paraan.



Tuesday, January 22, 2013

Suliranin Sa Agrikultura

Sa mga nabasa kong artikolo tungkol sa mga suliranin sa agrikultura, kadalasan ang mga nakalagay na suliranin ay ang pagbagyo, kulang na suporta ng pamahalaan ng gobyerno, ang pagbabago-bago ng klima, pagdagsa ng mga dayuhang produkto, mababang presyo ng produktong agrikultura, implementasyon ng tunay na reporma sa lupa at paglaganap ng sakit at peste.







Ang mga suliraning ito ang nagdudulot kung bakit ganun na lang ang laki ng samang epekto sa agrikultura rito sa ating bansa. Kahit na ganito karami ang suliranin sa agrikultura ng ating bansa, may solusyon parin sa mga suliraning ito. Una muna sa lahat, dapat magkaroon na ng reporma sa lupa. Pangalawa, pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura. Pangatlo, pagbibigay ng subsidy sa maliit na mangsasaka. Pangapat, pagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay at kalsada. Panglima, paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultural na pumapasok sa bansa. At ang huli, pagtatag ng kooperatiba at bangko rural.






Meron parin namang madadaling paraan upang makatulong tayo upang masolusyonan ang mga suliranin sa agrikultura ng ating bansa. Ito ay dumidepende sa ating kakayahan at kaalaman. Sa ngayon, ang ating maaaring maitulong ay ang pag-iwas sa pagsira ng ating kapaligiran. Iwasan natin ang pagtapon ng basura kung san-san, pagbawas sa paggamit ng mga chemical na nakakaapekto sa ating kapaligiran at ang pagsusuporta sa mga produktong agrikultura ng ating bansa.







Dapat tayo ay magkaisa upang makatulong tayo upang mabawasan na ang suliranin sa agrikultura ng ating bansa. Isipin natin na may mga taong nabubuhay dahil sa pagtatrabaho gamit ang agrikultura. Tayo dapat ay maging matalino at maingat pagdating sa mga bagay-bagay na maaaring makaapekto sa agrikultura ng ating bansa. :)

Tuesday, January 15, 2013

Realization from the Issue of Hacienda Luisita

Base sa aking napanuod, ang masasabi ko lang ay talagang hindi patas ang nangyari. Unang-una sa lahat, ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita ay naloko at nauto. Pangalawa, sila ay ginamit at inabuso. At ang huli, sila ay tinakot upang mapapayag lang na pumirma sa kontrata.




Karapatan nilang makuha ang mga ipinangako sa kanila sa pagkat ginawa naman nila ang mga nakapaloob sa kontratang kanilang pinirmahan. Dapat maging patas din ang mga nagbigay ng kontrata sa kanila. Dapat tuparin nila ang kanilang ipinangako sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita.




Hindi ko masisisi ang mga magsasaka kung sila ay nagprotesta at lumaban. Ginawa lang naman nila ito upang makuha ang dapat na sa kanila. Ipinaglalaban lamang nila ang karapatan nila. Kung sana ay naging tapat at patas ang mga gumawa nung kontrata edi sana walang gulong mangyayari at sana hindi na nagalit ang mga magsasaka sa kanila.